It's Showtime, Eat Bulaga Pagsasamahin Ng GMA Network Kapag Nangyari Na Ang 12 Days Suspension!?

 

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang umano'y posibilidad na pagsamahin sa GMA Network ang mga noontime show na Eat Bulaga at It's Showtime, sakaling matuloy ang 12 days airing suspension ng huli.


Nag-ugat ang haka-hakang ito nang bisitahin ng mga GMA bosses ang Kapamilya noontime show, kasama ang mga head ng ABS-CBN. 


Kasunod nito, binisita naman ni GMA Senior Vice President Annette Gozon at Sparkle Vice President Joy Marcelo ang noontime show na Eat Bulaga.


Kumakalat naman ngayon ang mga larawan na kuha sa dressing room ng Eat Bulaga kung saan kasama ng mga Eat Bulaga hosts ang mga big boss ng GMA, kasama rin nila ang head ng TAPE Inc. na si Jun Jalosjos.


Nauna nang naiulat na tila may naganap na meeting noon sa pagitan ng ABS-CBN at GMA sa pagbisita nila sa It's Showtime.


Partikular na ang pagkakasuspinde ng show sa loob ng 12 days.


Tila hindi rin naman magiging problema sa mga hosts ng dalawang show sakaling maganap ang collaboration dahil nauna nang nag-collab noon sina Vice Ganda at Isko Moreno para sa vlog ng dating Manila Mayor.


Nagkita-kita na rin ang mga hosts ng dalawang show noong GMA Gala 2023.