Usap-usapan ngayon sa social media ang pagyakapan nina Maja Salvador at Kim Chiu sa naganap na ABS-CBN's Ball 2023.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging malapit na magkaibigan noon sina Maja Salvador at Kim Vhiu dahil sa pagsasama nila noon sa teleseryeng 'Ina, Kapatid, Anak' noong 2012.
Subalit, tila nagkalamat ang kanilang pagkakaibigan noong naging nobyo naman ni Maja Salvador si Gerald Anderson, na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naunang naging boyfriend ni Kim Chiu.
Kalaunan ay naghiwalay din naman sina Maja Salvador at Gerald noong 2015. Inamin pa ni Maja sa isang panayam na tila pagkakamali ang naging relasyon nila ng aktor dahil sa mga backlash na naranasan niya dahil dito.
Nauna na ring naiulat na nagkabati na sina Maja at Kim noong 2018 ngunit sinabi nila sa mga interview na kakailanganin pa ng oras upang ganap silang mag-heal at maibalik nang tuluyan ang dati nilang closeness.
Samantala, tila tuluyan nang naghilom ang mga sugat sa kanilang nakaraan dahil sa kamakailang ABS-CBN's Ball ngayong taon, spotted na nagyakapan at nagbeso-beso ang dalawa.
Agad na natuwa ang kani-kanilang mga fans dahil tuluyan na nga silang naka move on.
Sa ngayon ay kasal na si Maja Salvador kay Rambo Nunez habang nasa isang stable relationship naman si Kim Chiu sa kanyang boyfriend na si Xian Lim.