Ibinunyag, Totoong Dahilan Kung Bakit Pinalayas Ang Kamikazee Sa Sorsogon


 Ibinunyag ng talent coordinator ng Kasanggayahan Festival kung bakit kinansela ni Sorsogon Governor Boboy Hamor ang show ng OPM band na Kamikazee sa kanilang probinsiya.


Ayon sa talent coordinator na si Jonathan Valdez, nagpakita ng masamang ugali ang mga miyembro ng Kamikazee sa gobernador, na naging dahilan kung bakit nakansela ang kanilang show.


Isiniwalat ni Valdez na nag-request si Governor Hamor sa Kamikazee na pagbigyan ang mga residente ng Sorsogon ng picture opportunity, subalit hindi ito pinagbigyan ng banda.


“In my years of bringing bands/artists in Sorsogon, never po nag-request ng picture si Gov. And I believe all the artists/bands na nakapunta sa Sorsogon can attest how considerate, kind, and generous Gov. is, kaya naman I did everything to accommodate his very simple request couple of days before the event,” pagsisiwalat ng coordinator.


Agad naman umanong umu-o ang mga bandang Imago at I Belong To The Zoo sa request na ito ng governor subalit nagiging source ng kanyang stress ang Kamikazee dahil hindi ito sumasagot sa kanyang request.


“Imago & I Belong To The Zoo said no problem…while this KAMIKAZE has been my source of stress days before the event for this simple request – hindi sumasagot. Until nag-oo na sila 30 minutes before their set.”


Ilang beses pa umano niya itong pinakiusapan subalit hindi talaga bunababa sa van ang mga ito para sa 2 minute picture. Hanggang sa ipaalam na umano nila kay Governor ang sitwasyon na naging dahilan kung bakit tuluyang napalayas ang Kamikazee sa Sorsogon.


“Hindi sila bumababa ng van, in my years in the business ngayon lang ako umiyak at nakikiusap na bumaba na sila for the 2 minute picture.”


“I even told them na singilin nila ako for an additional fee for this, Muntik na akong lumuhod, pero – DEADMA! Until lumapit na ang assistant ni Gov sa akin, ‘Jo halika, sabihin mo na kay Gov!’ — ayun na, they got what they deserved! Pinalayas sila sa Sorsogon at hindi pinasampa. FULLY PAID sila and all their requests were granted even the liquor etc. Binigay lahat and MORE!” pagbabahagi pa niya.