Lantaran nang ipinapakita ngayon ng rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin ang kanilang relasyon.
Matatandaan na noon pa man ay pinaghihinalaan na ng maraming mga netizens na talagang mag-couple na ang dalawa na tinatago lamang nila sa mata ng publiko para mapangalagaan ang kanilang privacy.
Subalit, matapos ang ilang taon tila unti-unti na nilang ipinapakita sa publiko ang kanilang pagmamahalan at paglalambingan.
Sa naganap na ABS-CBN's Ball 2023 nitong September 30, 2023 kaagad na napansin ng mga netizens at fans na magkasabay na dumating sina Coco Martin at Julia Montes.
Ang mas nakapagbigay kilig sa kanilang mga fans ay ang paghoholding hands ng dalawa, bukod dito magka-match din ang kulay ng kanilang outfits.
Ilang beses din silang nahagip ng kamera na tila ba ay hindi nila maalis-alis ang kanilang mga titig sa isa't-isa.
Matatandaan na tila nadulas noon sina Coco Martin at Julia Montes kung saan napaamin sila sa kanilang relasyon na anilay umabot na sa 12 years.
Bagama't nilinaw ng isang Kapamilya page, na ang tinutukoy ng dalawa ang kanilang pagsasama sa iisang proyekto, marami pa rin ang naghihinalang noon pa man ay magkarelasyon na ang dalawa.
Ayon naman sa hinala ng mga netizens na ang dahilan nito ay ang murang edad noon ni Julia Montes.
Sa kabilang banda, nagbubunyi ngayon ang mga CocoJuls fans dahil lantaran na ang lambingan ng kanilang mga idolo na tila kinakabog pa ang mga sikat na mga batang loveteams.