Marami ang nakapansin sa pagsasama sa red carpet interview ni Gretchen Pulido kina Janella Salvador, Jane De Leon, Julia Barretto at Dimples Romana.
Lalo pa't hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Dimples Romana sa nagtanggol kay Bea Alonzo noon sa kasagsagan ng kontrobersyal isyu sa pagitan nina Bea Alonzo, Julia Barretto ay Gerald Anderson.
Kilala rin na matalik na magkaibigan sina Dimples Romana at Bea Alonzo.
Samantala, bago pa man magsimula ang nasabing interview ni Gretchen makikitang nag-uusap na sila ni Dimples. Ginusto naman nina Julia at Gerald na umalis subalit hinila ni Janella ang actress kaya iniwan na muna ito ni Gerald.
Nang magbigay ng pahayag si Dimples Romana tungkol sa pagiging grateful naging maayos naman ang expression ng kanyang mukha at ang tingin niya kay Julia Barretto.
Nang matanong naman sina Julia, Janella at Jane, pabiro silang nagpasahan sa kung sino ang mauunang magbigay ng pahayag.
Subalit, humirit si Julia at binanggit ang pangalan ni Dimples. Sinabi niya na grateful umano siya sa aktres.
Napatawa naman si Dimples at pinasalamatan si Julia. Subalit napansin ng mapanuring mga mata ng netizens na tila may dumaan na awkwardness sa expression ni Dimples.