Jhong Hilario Ibinahagi Ang Unang Pagkikita Ni Sarina Hilario at Regine Velasquez


 Ibinahagi ng actor-host na si Jhong Hilario ang video kung saan makikita ang unang pagkikita nina Sarina at Regine Velasquez.


Makikita sa nasabing video na talagang na starstruck si Sarina Hilario kay Asia's Songbird na si Regine Velasquez.


Kuha ang nasabing video sa dressing room nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, pinuntahan nila ang mga ito upang mabati ni Sarina ang kanyang mga iniidolong singer.


Kitang-kita din sa video na talagang na-cutan at nasiyahan sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez kay Sarina. 


Nakipaglaro pa si Regine Velasquez kay Sarina bago ang kanilang performance.


Makikita rin sa ibinahaging video ni Jhong na talagang nag-enjoy si Sarina sa performance ng dalawa.


Pinag-cheer din ni Sarina ang kanyang Daddy Jhong nang ito naman ang nagperform sa stage.