Kasado na ang show na siyang papalit sa It's Showtime sa loob ng 12 days na suspended ito.
Magsisimula na ngayon sabado October 14, 2023 ang ibinigau na 12 days airing suspension ng It's Showtime. Dahil dito, pansamantala muna sila papalitan ng It's Your Lucky Day.
Ang It's Your Lucky Day ay pangungunahan nina Luis Manzano, Melai Cantiveros at Robi Domingo. Makakasama rin nila dito ang FranSeth at si Andrea Brillantes.
Ang It's Your Lucky Day ang pinakabagong noontim show na maghahatid saya at papremyo sa madlang pipol habang suspendido pa ang It's Showtime.
Mapapanood ito sa iba't-ibang mga Kapamilya platforms maliban sa GTV dahil hindi pa kumpirmado kung ipapalabas rin ba nila ang pamalit ng It's Showtime.
Muling magbabalik ang It's Showtime sa darating na October 28, sabado.