E.A.T Makikinabang Sa Suspensyon Ng It's Showtime!


 Tila pumabor ngayon sa mga katapat na noontime show ang kapalaran dahil lalong bababa ang ratings ng It's Showtime, ngayong nahaharap ito sa 12 days suspension na iniutos ng MTRCB.


Ayon sa ulat mula sa NOTAM People Survey, parehong nasa kompetisyon ang E.A.T at ang Eat Bulaga para sa number one slot. Samantalang nahuhuli naman palagi ang It's Showtime.


Noong nakaraang lunes October 2, nangunguna pa rin ang E.A.T sa mga rating na sinundan naman ng Eat Bulaga.


Sa kabila ng pagiging trending ng It's Showtime nananatili naman ang mababang ratings nila.


Sa nalalapit na suspension ng It's Showtime, kasunod ng desisyon ng ABS-CBN na huwag nang mag-apela sa Office Of The President hinggil sa pagpapasuspinde ng MTRCB sa It's Showtime.


Inaasahan na lalong tataas ang ratings ng dalawang shows. Bukod  dito, makikita rin kung makakakuha ba ng  mataas na ratings ang show na pansamantalang ipapalit sa It's Showtime.


Sa kabila nito, nanatiling positibo ang mga hosts nang It's Showtime kung saan inaasahan nila na malalampasan nila ang lahat nang pagsubok na kakaharapin ng show.