Hindi napigil ng singer-song writer na si Ogie Alcasid ang kanyang emosyon sa desisyon ng kanyang anak na si Leila Alcasid na makipag live in sa boyfriend na si Curtis Smith.
Inamin ni Ogie Alcasid na mabigat sa kanya na nagsasama na ang kanyang anak at boyfriend nito ng hindi pa kinakasal.
Sa isang panayam, sinabi ni Ogie Alcasid na nagulat na lamang siya nang malaman na nakikipag live in na pala ang kanyang anak na si Leila sa nobyo nitong si Curtis Smith. Hindi umano ito nagpaalam sa kanya na siyang ikinabibigat ng kanyang kalooban.
Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Ogie Diaz na nakaalalay pa rin siya sa kanyang panganay na anak.
"I told her, 'I didn't like what you did. Beacause it's something that I wish you talked to me about before. But that already done- nandyan na yan. So you want to be an adult? Then, face life like an adult.' And I'm very proud that she doen't even ask for money from me at all."
Nag-umpisa ang relasyon nina Leila Alcasid at Curtis Smith noong 2019, dahil sa pandemic napagdesisyunan nila na maglive in na.
Sa ngayon ay maayos naman ang pagsasama ng dalawa at going strong pa rin ang kanilang relasyon.
Hiling lamang ni Ogie na sana ay maging masaya ang kanyang panganay na anak sa piling ng minamahal nitong si Curtis Smith.