Baby Bean Simple First Birthday! Homans Family Back in Manila with Tito Con Homan


  Nagbabalik na sa Manila ang Homan Family mula sa kanilang bakasyon sa Australia, kasama nila sa pag-uwi ang kapatid ni Gregg Homan na si Con Homan.


Isang welcome dinner ang naganap sa pagitan nila kung saan nakasama din si Direk Andoy. Nasakto naman ang kanilang pag-uwi sa kaarawan ng kanilang anak na si Amila.


Napili nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na sa Pilipinas i-celebrate ang kaarawan ni Baby Amila. Dahil kakauwi pa lamang nila, isang simpleng birthday celebration lamang ang naganap.


Makikita sa ibinahaging video na binilhan lamang nina Angelica at Gregg Homan si Baby Bean ng isang round cake para sa kanyang celebration.


Sa isang social media post, ipinahayag ni Angelica Panganiban kung gaano siya kasaya at nagpapasalamat sa pagdating ni Baby Bean sa kanyang buhay.


Ipinahayag din niya ang labis na pagmamahal niya sa kanyang anak na bumago umano sa kanyang buhay.


"Salamat salamat salamat ng paulit ulit sa pinakamasayang chapter ng buhay ko. Happy birthday love. Isang taon na kong balik sayo. Ilang taon pa kaya tayo magiging baliw sa isa't-isa? Mahal na mahal kita ng wagas."