Lala Sotto nais na tuluyang ipasara ang It's Showtime ayon sa mga request sa kanila ng mga netizens.
Iginiit ng MTRCB Chairperson na si Lala Sotto sa naganap na Senate hearing na nakakatanggap umano ang kanilang ahensya ng mga request mula sa mga televiewers at netizens na hindi umano sapat ang 12 days suspension na ibinigay nila sa It's Showtime.
Dahil umano ito sa mga violations na ginawa ng It's Showtime.
“There are also a lot of people suggesting to cancel the show. We consider other peoples’ comments too,” pahayag ni Lala Sotto.
Dagdag pa niya, “That is not the only comment that we receive, saying that a 12-day suspension is too much. There are also a lot saying that the show should be canceled or that the number of days should be extended.”
Matatandaan na pinatawan ng 12 days suspension ang It's Showtime ng MTRCB dahil sa paglabag umano nito sa Presidential Decree No. 21.
Nauna na ring nilinaw ni Lala Sotto na hindi totoo ang mga bintang sa kanya na siya ang may pakana sa suspension ng It's Showtime dahil hindi naman umano siya kabilang sa mga bumoto.