David Licauco, Payag Na Gampanan Ang Mga Gay Roles


 Ipinahayag ni David Licauco na handa siyang gampanan ang mga gay roles sakaling may ibibigay sa kanya.


Sa kamakailang panayam sa Kapuso actor na si David Licauco, kung saan naitanong sa kanya kung may nais pa ba siyang subukan sa showbiz, matapat niyang inamin na nais niya masubukang gumanap sa mga gay roles.


Samantala, hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si David Licauco at hindi nagbigay ng anumang pahayag kung bakit gusto niyang gumanap bilang bading.


Ang nilinaw lamang ni David na handa niyang tanggapin ang anumang role na makakaya naman niya kabilang na ang pagganap bilang gay.


Sa ngayon ay abala si David Licauco sa kanyang romance action series na pinagbibidahan nila ni Barbie Forteza.


Marami naman sa mga fans ng aktor ang namangha dahil sa galing na ipinapakita ni David sa kanyang pagganap sa kanyang kauna-unahang action series.


Samantala, malaki ang pasasalamat ngayon ni David Licauco sa pagkakasama niya sa Sparkle GMA Artists Center sign for Stardom 2023.


Isang okasyon kung saan nagrerenew ng kontrata ang mga Kapuso stars.