Kathryn Bernardo Nabunyag Ang Tunay Na Ugali


 Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y pagpapakita ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa kanyang totoong ugali sa kanyang mga fans.


Sa isang event na dinaluhan ng aktres na si Kathryn Bernardo, napansin niya ang isang fans na tila may special needs na pilit na lumalapit sa kanya. Agad naman itong hinarang ng kanyang mga marshals. 


Subalit, nang makita ito ni Kathryn, nagkusa na siyang lumapit rito, kinausap at nagpakuha pa ng selfie. Agad namang umani ng samu't-saing papuri ang aktres dahil sa taglay niyang kabaitan at walang kaarte-arte na pakikipaghalubilo sa kanyang mga tagahanga.


Hindi rin naman masisisi ang mga marshals sa pagharang sa nasabing fans dahil ito naman talaga ang trabaho nila. Depende na lamang sa mga artista kung lalapitan ba nila ito kagaya ng ginawa ni Kathryn Bernardo.


Dahil dito, marami ang nagsasabing talagang kahanga-hanga ang katangian ni Kathryn dahil talagang pinakikitunguhan nito ng maayos ang kanyang mga fans.