Joey De Leon Dedma Sa Ginagawang Imbestigasyon Ng MTRCB Sa Kanyang Lubid Joke Sa E.A.T


 Hindi natatakot at naninindigan ang batikang komedyante at E.A.T host na si Joey De Leon na walang masama sa kanyang 'lubid' joke sa gitna ng ginagawang imbistigasyon ng MTRCB  sa kanyang joke sa Gimme 5 segment ng E.A.T.


Hanggang ngayon ay hindi man lang nagbibigay ng anumang reaksyon si Joey De Leon sa kabi-kabilang pambabatikos sa kanya ng mga netizens dahil sa kanyang masamang biro.


Ayon naman sa ilang mga netizens na talagang walang pagsisisi at hindi tinitingnan ni Joey De Leon na mali ang kanyang pahayag dahil hindi man lang ito humingi ng paumanhin at ipinaliwanag ng maayos ang kanyang joke.


Taliwas ito sa kadalasan na ginagawa ng TVJ at E.A.T hosts na agarang paghingi ng paumanhin sa kung nakakagawa sila ng pagkakamali.


Sa kabilang banda, patuloy naman ang imbestigasyon ng MTRCB sa naging pahayag ni Joey De Leon kung kinakailangan na ba nila itong aksyunan at ipatawag na naman ang kanilang production company.


Samantala, patuloy naman ang pag-alma ngayon ng mga netizens dahil nahahalata na umano nila na tila pinapanigan ng MTRCB ang E.A.T dahil sa kasalukuyang MTRCB chairperson Lala Sotto na anak ng E.A.T host na si Tito Sotto.